Balik na ngayong umaga ang operasyon ng Legazpi City Domestic Airport.
Dahil dito, sinabi ng Civil Aviation Authority Of The Philippines (CAAP) na maaari nang makabiyahe ang mga eroplano ng Philippine Airlines at Cebu Pacific.
Ayon sa CAAP, gagamitin bilang pansamantalang arrival at pre-departure areas ng airport ang mga bahagi ng passenger terminal bulding na hindi naapektuhan ng Bagyong ‘Tisoy’.
Magpapakalat din ng mga tauhan ng Legazpi Airport para bigyan ng ayuda ang mga pasahero patungo sa kanilang assigned check in at pre-departure areas.
Kabilang ang Albay sa mga labis na hinagupit ng Bagyong ‘Tisoy’ nang maglandfall ito sa Sorsogon noong Lunes ng gabi.