Naghigpit ng border control points ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City sa lalawigan ng Albay, upang mapigilan ang pagpasok ng iba’t-ibang klase ng sakit sa mga hayop partikular na ang african swine fever.
Ayon kay Dr. Manny Victorino, ang assistant veterinary officer ng Albay Provincial Veterinary Office, nakalatag na ang anim na animal veterinary quarantine check-point sa ilang lugar sa lalawigan.
Inaasahang mas hihigpitan ng mga otoridad ang mga borders sa darating na linggo.