Kasado na ang laban ng Two-Time One Lightweight World Champion na si Eduard Folayang sa Muay Thai Legend na si John Wayne Parr.
Magaganap ito sa Marso 26 sa Singapore Indoor Stadium.
Sa Facebook Post ni Folayang, itinuturing ang laban bilang Legend vs. Legend o Epic Wushu vs. Muay Thai.
Ang 38 na si Folayang mula sa Baguio ay nagkamit ng ilang awards tulad ng; Southeast Asian Games Gold Medalist, Asian Games Silver Medalist at Wushu World Championship Bronze Medalist. – sa panulat ni Abigail Malanday