Nakahanda ang House of Representatives na magsagawa ng sesyon sa halos dalawang buwang Lenten break ng Kongreso.
Ayon kay Cayetano, kung papayag ang Senado ay puwede nilang amyendahan ang legislative calendar upang makapagtrabaho pa rin sa susunod na mga linggo.
Nakasaad sa legislative calendar na magsisimula ang Lenten break ng dalawang kapulungan ng kongreso ng March 14.
Gayunman, maaari itong amyendahan ng mababa at mataas na kapulungan sa pamamagitan ng concurrent resolution.
Maliban sa pag-amyenda sa legislative calendar maaari ring magpatawag ng special session ang Pangulong Rodrigo Duterte.