Nagpositibo sa COVID-19 ang alkalde ng Lemery, Batangas na si Mayor Larry Alilio.
Sa kanyang social media post, sinabi ng alkalde na wala naman itong nararamdamang kahit anong sintomas ngunit kailangan pa rin nitong sumailalim sa 14 -day quarantine.
Inabisuhan na rin nito ang kanyang mga nakasalamuha na mag-self quarantine ng 14 na araw para sa kaligtasan ng bawat isa.
Humihingi naman ng paumanhin at pag-unawa ang alkalde sa mga hindi nito matutuloy na appointment maging ang kanyang pagdalaw sa ilang lugar.
Samantala, patuloy pa rin naman ang isinasagawang vaccination program upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa naturang lalawigan.
Magugunitang, noong nakaraang buwan lamang ay nagpabakuna kontra COVID-19 ang naturang alkalde ng lalawigan.