Hindi nababahala sina Senator Chiz Escudero at Antonio Trillanes IV sa pagdedeklara ng Liberal Party kay Cong. Leni Robredo, bilang Bise Presidente nito.
Sinabi ng mga senador na welcome sa kanila kung tatlo silang mula sa Bicol na kakandidato sa pagka-Bise Presidente sa susunod na taon.
Nangangahulugan lang anila ito na maraming Bicolano ang kuwalipikado sa pagka-Bise Presidente.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)