Iniimbestigahan na ng Malacañang ang kumakalat na ulat sa social media hinggil sa plano umanong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte na tinaguriang “Leni Leaks”.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni National Security Adviser Hermogenes Esperon.
Nag-ugat ang salitang “Leni Leaks” matapos mag-viral sa social media ang larawan ng umano’y pagpapalitan ng mensahe ng Filipino-American philanthropist na si Loida Nicolas-Lewis at kapatid nito na si dating Commission on Filipinos Overseas Chair Imelda “Mely” Nicolas.
Nauna nang itinanggi ni Vice President Leni Robredo na may kinalaman siya sa anumang oust plot laban kay Duterte.
Bahagi ng pahayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon
“May mga dokumento tayo”
Isusumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pangalan at iba pang ebidensya sa sinasabing destabilization plot laban sa gobyerno.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa magiging security cluster meeting ngayong araw ilalatag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang natuklasang ‘Leni leaks’ o palitan ng usapan ng mga ilang grupong sa internet nagpa planong mapatalsik sa pwesto ang administrasyon.
Una nang binanggit ni Andanar na iniimbestigahan na ng gobyerno ang lumabas na ‘lenileaks’ na kinasasangkutan umano ng ilang Filipino-American
Bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar
Samantala, binanatan ni Andanar si Loida Lewis, isang Filipino American na isa sa mga tinukoy na nagsusulong ng destabilisasyon laban sa administrasyong Duterte.
Kasunod ito ng pahayag ni Lewis na karapatan niya bilang Pilipino na makialam sa mga pangyayari sa bansa.
Ayon kay Andanar, tunay ngang bahagi ng karapatan ng mamamayan ang pakikilahok sa pagpapatakbo ng gobyerno ngunit kinuwestyon nito ang ginagawang partisipasyon ng grupo ni Lewis.
Bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar
Hinamon pa ni Andanar si Lewis at ang mga kasama nito na umuwi dito sa Pilipinas para harapin ang mga akusasyon sa kanila.
Bahagi ng pahayag ni PCO Secretary Martin Andanar
By Meann Tanbio | Rianne Briones | Karambola