Tutol ang mga anak ni Camarines Sur Representative Leni Robredo na tumakbo ito sa mas mataas na posisyon.
Ayon sa pangalawang anak ni Robredo na si Tricia, napagkasunduan nilang mag-iina noon na isang termino lamang ito tatakbo sa pulitika.
Sinabi ni Tricia na kung sila lamang ang masusunod ay ayaw na nilang magtuloy-tuloy sa pulitika ang kanilang ina.
Si Leni Robredo, ang biyuda ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, ay isa sa mga napipisil na tumakbong senador sa 2016.
By Ralph Obina