Kahit kaalyado ng administrasyon, suportado ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang presidential candidacy ni vice president Leni Robredo sa 2022 Elections.
Ikina-kampanya rin ni Salceda si presidential daughter at Davao City mayor Sara Duterte-Carpio sa pagka-bise presidente.
Ayon sa kongresista, matagal na niyang kaibigan sina Robredo at Mayor Inday at pinag-aralan na rin niya ang mga plano ng dalawa para sa taumbayan.
“Swak na swak” din anya ang tambalan ng dalawa kung ekonomiya ang pag-uusapan.
Si Robredo ay isa sa mga mahigpit na kritiko ng Duterte administration sa war on drugs, karapatang pantao at iba pang issue. —sa panulat ni Mara Valle