Hinirang ang LENTE bilang bagong partner ng COMELEC o Commission on Elections sa random manual audit para sa May 13 midterm elections.
Ito ay matapos na mag back out ang NAMFREl o National Citizen’s Movement for Free Election ang accreditation ng COMELEC.
Ayon kay Lente Executive Director Rona Ann Caritos, kahit na limitado ang oras ay handa pa rin ang grupo kasama ang 12 trained volunteers para sa gagawing manual audit.
Aniya, mahalaga ang random manual audit para masiguro ang kredibilidad ng eleksiyon.
Una nang tumanggi ang NAMFREL sa accreditation matapos na tumanggi ang COMELEC na bigyan ng access ang grupo sa mga impormasyon at data.