Isang malaking hamon sa Commission on Elections (COMELEC) ang insidente ng “hacking” sa database ng kanilang website.
Ito ang iginiit ni Atty. Rona Ann Caritos ng Legal Network for Truthful Elections o LENTE matapos ilabas sa “we have your data.com” ng mga hackers ang data na naglalaman ng pangalan at address ng mga botante.
Giit ni Caritos, dapat tiyakin ng COMELEC na magiging credible ang halalan sa susunod na buwan.
Aniya, dapat din itong imbestigahan ng COMELEC upang mabatid kung sino ang nagkaroon ng negligence o kapabayaan.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Rona Ann Caritos ng LENTE
Binigyang diin ni Caritos na obligasyon ng COMELEC na alagaan ang mga impormasyong ibinigay ng publiko sa kanila.
Kasabay nito, umaasa si Caritos na magsisilbing challenge sa COMELEC at Smartmatic ang ginawang pang-hahack sa website ng COMELEC, kamakailan.
Ayon kay Caritos, mahalagang matiyak ng COMELEC at Smartmatic na hindi maha-hack ang kahit isa sa tatlong servers na gagamitin sa pagta – transmit ng election results sa Mayo.
Aniya mahalagang mapanatiling ligtas ang tatlong server dahil kahit isa lang dito ang ma-hack, maaaring makuwestyon ang kredibilidad ng eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Rona Ann Caritos ng LENTE
Voters
Hinimok naman Caritos ang mga botante na maging bukas at magtiwala sa proseso.
Ayon kay Caritos, hindi dapat ibatay sa resulta ng mga survey ang magiging resulta ng eleksyon sa Mayo.
Ipinaliwanag ni Caritos na mas uusad ang bansa at aandar ang mga programa, kung buburahin ng publiko ang agam-agam nila sa sistema.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Rona Ann Caritos ng LENTE
By Jelbert Perdez | Katrina Valle | Ratsada Balita