Hindi na ikinagulat ng LENTE o Legal Network for Truthful Elections ang resulta ng survey na halos 4 sa kada 10 botante ang kumbinsidong magkakaroon pa rin ng dayaan sa eleksyon.
Ayon kay Rona Ann Caritos, Executive Director ng LENTE, hindi naman talaga nawala ang dayaan sa eleksyon kahit pa sa panahong automated na ang botohan.
Ang nabago lamang naman anya ay ang sistema kung paano makakapandaya ang mga kandidato.
“Nung manual po, ang dayaan is kinakausap po ang mga teachers, tinatakot, ngayon po dahil automated mas nagiging laganap po yung vote buying kasi lumalabas na yung mga kandidato sa makina, mas nagiging laganap yung pag pre-fill ng ballot bago i-feed yung ballots meron na pong shading, dapat mag-double effort ang COMELEC natin na i-explain sa publiko.” Ani Caritos.
Receipt
Umaasa ang LENTE o Legal Network for Truthful Elections na pakikinggan ng Commission on Elections ang mga panawagang payagan ang pagpapalabas ng resibo ng vote counting machines o VCM.
Ayon kay Rona Ann Caritos, kung hindi talaga uubra ang pagpapalabas ng resibo ay kahit paganahin na lamang ang on screen verification ng VCM upang makita ng botante kung paano tinanggap ng makina ang kanyang mga boto.
Naniniwala si Caritos na COMELEC na lamang ang dapat magpasya nito dahil nagkaroon na ng desisyon noong 2010 ang Korte Suprema hinggil sa paper audit trail.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay Rona Ann Caritos, Executive Director ng LENTE
By Len Aguirre | Ratsada Balita