Bukas si Leon Barretto na makipag-ayos sa kanyang ama na si Dennis Padilla sa tamang panahon.
Ito ang inamin ni Leon sa isang panayam noong November 23 sa Awit Awards 2022 sa newport performing arts theater sa resorts world.
Sinabi ni Leon na namimiss na niya ang kanyang ama ngunit darating din ang oras na maghihilom ang lahat ng sugat ng kanyang pamilya, anya ‘In God’s Perfect Timing’.
Naniniwala siya na dapat pagusapan ang problema sa pribadong paraan lalo na’t tungkol ito sa kanilang pamilya.
Inilahad ni Leon na ‘End of the Day, Peace at Happiness’ lamang ang hiling nito.
Positibo rin na sinabi ni Leon na sa tamang panahon ay magkaayos sila ng kanilang pamilya. - sa panunulat ni Jenn Patrolla