Halos 20 taon matapos na gumanap sa pelikulang Titanic, ay muling nag-reunite sina Jack at Rose, mga karakter sa nasabing pelikula na pinagbidahan nina Leonardo DiCaprio at Kate Winslet.
Sa ginanap na 2016 Golden Globe Awards ay nakitang niyakap ni Kate si Leonardo matapos itong tanghaling Best Actor in a Motion Picture-Drama para sa The Revenant na iniuwi din ang Best Motion Picture at Best Director para kay Alejandro G Iñarritu.
Habang panalo din si Kate matapos maiuwi ang Best Actress in a Supporting Role para sa Steve Jobs.
Matatandaang ang pelikulang Titanic na pinagbidahan ng dalawa ay isa nang klasikong pelikula na nanalong Academy Award for Best Picture noong 1998.
All praises naman ang dalawa sa isa’t isa na nananatiling matalik na magkaibigan, sinabi ni Leonardo na si Kate ang kanyang favorite actress sa industriya at umaasa siyang muli silang magkakatrabaho sa hinaharap. Si Kate naman bago ang Golden Globe Awards ay sinabing excited siya para sa kaibigan dahil isa ito sa pinakamagaling na aktor.