Hinimok ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang bar applicants na magpa-bakuna kontra COVID-19 partikular ang mga nasa priority group tulad ng senior citizens at persons with co-morbidities.
Ito ayon kay Leonen ay para na rin sa proteksyon ng bar personnel at examinees.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Leonen na nakikipag ugnayan na sila sa COVID-19 Task Force para mapasama sa pagbabakuna ang mga aplikanteng hindi bahagi ng priority groups.
Dapat aniyang matiyak na full vaccinated na bago ang November Bar Examination ang mga bar applicant.