Tinawag na insensitive ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang kumalat sa social media na litrato ng pagdiriwang ng kaarawan ni NCRPO Chief Major General Debold Sinas.
Sinabi ni Leonen na ang mga party ay maituturing na mass gatherings na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng social distancing rules.
Ayon kay Leonen isang private retirement ceremony sa pamamagitan ng teleconferencing ang isinagawa nila para kay Justice Andres Reyes, Jr. na 40 taong nagsilbi sa gobyerno.
Higit pa aniya rito ang deserve ni Reyes subalit ang ginawa nila ay yung nararapat lamang sa gitna na rin nang pagsasakripisyo ng taumbayan.