Inaabangan na ang Leonids Meteor Shower mamayang gabi at posibleng tumagal hanggang bukas ng madaling araw.
Ayon sa PAGASA, posibleng lumabas ang 15 meteors sa Leonids meteor shower na itinuturing na isa sa mga mabubunga o prolific meteor shower.
Ang pagliliwanag nito ay sa constellation Leo na matatagpuan sa eastern section ng kalangitan sa hatinggabi.
Ang Leonids meteor shower ay binubuo ng mga debris na iniwan ng mga repeat passages sa pamamagitan ng inner solar system ng Comet 55P/Tempel- Tuttle.