Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga pasyenteng may leptospirosis sa National Kidney Transplant Institute (NKTI).
Umabot na sa 32 ang mga may kaso ng leptospirosis kaya’t ginawa nang leptospirosis ward ang gymnasium ng ospital.
Kaugnay nito, nanawagan ang NKTI sa mga handang magdonate ng kanilang dugo dahil bumababa na anila ang stock ng dugo sa kanilang blood bank.
Mula lamang Enero hanggang Hulyo, pumalo na sa halos 1,000 ang tinamaan ng leptospirosis sa iba’t ibang lugar sa bansa kung saan mahigit sa 100 ang nasawi.