Nagdeklara ng Leptospirosis outbreak ang Department of Health sa ilang lugar sa Metro Manila.
Kasunod ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng naturang sakit ngayong taon.
Isa ang Quezon City sa may pinakamaraming barangay na idineklara ang Leptospirosis.
Partikular na rito ang mga barangay ng Bagbag, Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth, Novaliches proper, Payatas, Pinyahan at Vasra.
Nagdeklara rin ng outbreak sa mga barangay sa Taguig City gaya ng Lower Bicutan, Western Bicutan, Maharlika Village at Signal Village.
Mayroon ding outbreak ng Leptospirosis sa mga barangay ng BF Homes at San Dionisio sa Parañaque City, Barangay Pinagbuhatan sa Pasig City, North Bay boulevard sa Navotas City, Addition Hills sa Mandaluyong City at Concepcion sa Malabon City.
Batay sa tala ng DOH, nasa siyamnapu’t siyam (99) na ang namatay sa Leptospirosis sa unang anim na buwan ng 2018 kung saan tatlumpu’t walo (38) dito ang naitala sa Metro Manila.