Mariing ipinanawagan ng isang medical expert sa pamahalaan na pag-aralan ang paggamit ng gamot na “Leronlimab” sa mga pasyente ng COVID-19.
Ito’y makaraang matuklasan na nakatulong umano ito kaya’t nakarekober agad si dating Pangulong Joseph Estrada.
Ayon kay Dr. Randy Nicolas, associate clinical professor for surgery sa UP-PGH, nakatulong ang anti-inflammatory drug na “leronlimab” sa ‘respiration’ o pagpapaluwag ng paghinga ng dating presidente.
Nang magkritikal ang kalagayan nang mahawa ng virus ay na-admit sa ICU si Erap at muling binigyan ng ikalawang dose ng nasabing gamot.
Naging dahilan umano iyon upang agad na gumaling ang dating presidente.
Kabilang ang “Leronlimab” sa mga investigational drugs ng COVID-19 at gawa ito ng kompanyang CytoDyn sa Estados Unidos na sinasabing orihinal na ginawa laban sa HIV.