Nahaharap sa patong-patong na kaso ang isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos umano itong magwala at manutok ng baril nang matalo ito sa sugal sa Alabel, Sarangani.
Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na nagsugal si P/Cpl. Lougiever Suliquiz sa isang lamay sa nasabing bayan at nang matalo ito ay inakusahan niya ang mga kalaro ng pandaraya.
Natakot umano ang mga tao sa burol, nang bumunot ito ng baril.
Ayon sa Sarangani Police Provincial Office, agad na sinampahan ng kasong kriminal at administratibo ang pasaway na pulis nang makarating sa kanilang opisina ang ginawa nito.