Itinalaga bilang House speaker si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na pinsan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay matapos makakuha si Romualdez ng 280 votes para sa naturang posisyon sa pagbubukas ng Sesyon ng 19th Congress.
Apat naman ang Abstained o nagdesisyong hindi boboto; isa ang hindi bumoto para sa kaniyang posisyon; habang 22 naman ang nabigong bumoto.
Si Romualdez ay Pangulo ng Lakas-CMD na mayroong 64 na miyembrong mambabatas at patuloy na sinusuportahan ng PDP-Laban, National Unity Party, Nacionalista Party, Nationalist People’s Coalition, at Party-list Coalition.
Matatandaang dati naring nagsilbing main Campaign Manager ni Vice President Sara Duterte-Carpio si Romualdez.