Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang Southern Leyte kaninang 3 ng madaling ara
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, natunton ang sentro ng pagyanig sa layong 41 kilometro, Kanluran ng Limasawa Peninsula
May lalim itong 42 kilometro mula sa Episentro at Tectonic ang pinagmulan nito
Dahil dito, naitala ang inensity 2 sa Tagbilaran City sa Bohol, Palo sa Leyte at Argao City sa Cebu
Samantala, niyanig din ng magnitude 4 na lindol ang Moro Gulf kaninang 9:10 ng umaga
Natukoy ang Episentro ng pagyanig sa layong 65 kilometro Silangan ng Tabina, Zamboanga Del Sur
Naramdaman ang pagyanig sa Zamboanga Del Sur, Lanao Del Sur, Maguindanao, Cotabato City at Sarangani
Kasunod nito, pinag-iingat ng PHIVOLCS ang mga residente sa nabanggit na mga lugar hinggil sa mga serye ng Aftershocks