Isinailalim na ang probinsiya ng Leyte sa State of Calamity buhat ng pinsalang dulot ng Bagyong Agaton.
Layon ng naturang deklarasyon na magamit ang calamity funds upang makapagpamahagi ng tulong sa mga pamilyang lubhang apektado ng bagyo.
Nakasaad sa deklarasyong inaprubahan ng sangguniang panlalawigan ng Leyte na nagdulot ang bagyo ng pinsala sa ilang bayan sa probinsiya, at nagkaroon ng malawakang pagbaha at pagguho ng lupa.
Nabatid na apektado rin ang sektor ng transportasyon at linya ng tubig na maiinom sa ilang bayan, kasama na ang sektor ng imprastraktura sa lugar.
Samantala, ang Bagyong Agaton ang unang bagyong tumama sa Pilipinas ngayong taon.