Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang lalawigan ng Leyte dakong ala-1:00 ng madaling araw kanina.
Batay sa datos ng Philippine Instotute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol may anim na kilometro sa hilagang-kanluran ng bayan ng Kananga, Leyte.
May lalim lamang itong pitong kilometro.
Samantala dakong alas-11:27 naman kagabi ay niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang pagyanig sa karagatang sakop ng Santa Catalina, Ilocos Sur.
Natukoy ang sentro ng pagyanig may layong 58 kilometro sa timog kanluran ng bayan ng Santa Catalina.
Wala namang naitalang pinsala bunsod ng dalawang lindol.
—-