Nakaranas ng kambal na pagyanig ang Leyte kaninang umaga.
Unang naitala ang magnitude 3 na lindol alas-12:50 ng hatinggabi sa layong 8 kilometro timog silangan ng Leyte at may lalim itong limang (5) kilometro.
Nasundan ito ng magnitude 3.7 na lindol na nasa isang kilometro timog kanluran ng Caloocan sa Leyte.
Kapwa tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at wala namang napaulat na napinsala sa pagtama ng lindol.
By Ralph Obina