Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Leyte kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 5 kilometro hilagang silangan ng bayan ng Albuera.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 5 kilometro.
Wala namang napaulat na napinsala sa paglindol ngunit asahan anila ang aftershocks.
Class suspended in Ormoc
Sinuspindi na ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Ormoc City.
Ito ay batay sa ipinalabas na abiso ng pamahalaang lungsod ng Ormoc kasunod ng pagtama ng 5.1 magnitude na lindol sa Albuera Leyte.
Nagpatawag na rin ng emergency meeting para matukoy ang mga pinsalang posibleng idinulot na naturang pagyanig.
Matatandaang, isa ang Ormoc City sa matinding napinsala nang malakas na lindol sa Jaro Leyte noong nakaraang buwan.
By Ralph Obina / Krista de Dios