Posibleng sa bahagi ng Ormoc City, Leyte isagawa ang isa sa mga aktibidad ng Balikatan Exercises sa susunod na taon.
Ayon kay Capt. Louis Kalmar, humanitarian and civic assistance planner ng Philippine-US Balikatan program, inaasahan sa susunod na Balikatan ang mas pinalakas na military training, maliban pa sa mga isasagawang medical mission at humanitarian assistance.
Nakalinya rin anya sa Balikatan 2017 ang renovation at pagtatayo ng mga bagong school building, donasyon ng mga libro at iba pang materyales para sa mga estudyante.
Kaugnay nito, babalik umano sina kalmar sa Ormoc sa Disyembre para isapinal ang Balikatan 2017.
By: Drew Nacino