Bukas si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez na tumakbo bilang senadora sa 2022 elections.
Sa isang panayam, sinabi ni Gomez na wala naman siyang nakikitang problema sakaling siya ay kumandidato sa nasabing posisyon ngunit hindi naman ito aniya ang kaniyang prayoridad sa ngayon.
Gayunman, kumpinyasa naman si Gomez na kaniyang kakayanin ang trabaho sakaling siya ay mabigyan ng opurtunidad dahil sa kaniyang paninilbihan bilang mambabatas ng labing isang taon.
Si Gomez ay miyembro ng PDP Laban na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa 2022 national election.