Natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Canada ang Egyptian LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) activist na si Sara Hegazy.
Ayon sa ulat, nagpakamatay ang 30-anyos na aktibista at nag-iwan pa ito ng suicide note para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Bago pinagkalooban ng asylum ng Canada, si Hegazy ay nakulong matapos itaas ang LGBT rainbow flag sa isang concert Egypt noong October 2017.