Magpapatupad ng “no walk-in policy” ang pamahalaan lokal ng Caloocan para sa libreng COVID-19 swab test ng mga residente.
Ayon sa Caloocan City Government, kailangang munang makipag ugnayan sa Barangay Health Center ang may mga sintomas ng COVID-19 at kailangang maipresenta ang kanilang valid ID.
Ayon sa Caloocan LGU, importante na agad na mai-test ang isang indibidwal na nakakaranas ng sintomas ng nakakahawang sakit upang agad na ma-isolate at mabigyan ng kinakailangang atensyong medikal. —sa panulat ni Angelica Doctolero