Hinimok ng Inter Agency Task Force (IATF) ang mga Local Government Units (LGU’s) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na isama sa kanilang mga ibibigay na relief packages ang asukal.
Ayon kay IATF Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ito ay bilang pagsunod sa naging rekomendasyon ng Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni Nograles layunin nitong matulungan ang mga magsasaka ng tubo at ang industriya ng pag-aasukal na naapektuhan din ng umiiral na enhanced community quarantine.
Una naman inanunsyo ni Nograles ang pag-reorganized sa national task force sub group on food security bilang national task group on food security.
Pamumunuan aniya ito ng DA kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan bilang mga miyembro.
Ang NTF sub group on food security ay ni-reorganized at ginawang NTF task group on food security sa ilalim ng pamumuno ng DA bilang chair at binubuo ng mga sumusunod na ahensya; ang DTI, NEDA, DSWD, DBM, DepEd, DOST, NSC, at DILG,” ani Nograles.