Hinimok ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga lokal na pamahalaan na kumuha ng libreng Contact Tracing Training Program (CTTP).
Ayon kay TESDA Sec. Isidro Lapeña, sa pamamagitan ng programa makakapag-produce ang mga Local Government Unit (LGU) ng contact tracers na makatutulong sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang mga lugar.
Tatagal aniya ng 15 araw ang pagsasanay sa ilalim ng blended learning modality.
Maaari umanong makapagsanay ang mga nakatapos ng 10 taon sa basic education o may sertipikasyon ng Alternative Learning System (ALS).
Sa mga kwalipikadong magsanay, pagkakalooban ito ng P2,400 na allowance, insurance coverage at bukod pa ang allowance para sa internet expenses at personal protective equipment.