Maaaring humingi ng pondo mula sa People’s Survival Fund ang mga Local Government Unit para lumakas ang programa ng mga ito laban sa climate change .
Ayon ito kay Senador Francis Escudero kayat umaapela siya sa gobyerno na gamitin na ang 1 billion peso fund para sa kampanya kontra climate change.
Sinabi ni Escudero na wala pang nailalabas na pera mula sa PSF simula pa nuong Hunyo.
Sa ilalim ng national expenditure program para sa susunod na taon, uubrang gamitin ang PSF sakaling kapusin ang pondo para sa implementasyon ng disaster risk reduction management programs, Yolanda rehabilitation at maging sa reconstruction program at tanging ang approval lamang ng Pangulong Noynoy Aquino ang kailangan.
By: Judith Larino I Cely Ortega-Bueno (patrol 19)