Maagang pinaghahanda ng mga lokal na pamahalaan at mga residente sa mga lugar na inaasahang dadaanan ng bagyong Kammuri o Tisoy ang epekto nito.
Ito ay bagama’t hindi pa man nakakapasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at nararamdaman ang bagyong Kammuri.
Kabilang dito ang mga LGU’s at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Quezon na nakataas na ang alerto.
Sinimulan na ng Atimonan Quezon LGU at MDRRMO ang pagpupulong para matalakay ang ilalatag na paghahanda sa bagyong Kammuri lalu na’t landslide at flashflood prone ang kanilang lugar.
Ilang mga residente na rin sa Tagkawayan Quezon ang nagsimula nang talian ang kanilang mga bubong para matiyak na hindi madadala ng malakas na hangin.