Nanindigan ang lokal na pamahalaan ng Lanao de Norte na hindi sila nagkulang sa pagpapaalala at pagbibigay ng abiso sa mga residente kaugnay ng bagyong Vinta.
Ayon kay Lanao del Norte Governor Imelda Quibranza – Dimaporo tatlong araw bago ang inaasahang pagtama ng bagyong Vinta sa Mindanao, tuloy – tuloy ang kanilang paalala.
Sinabi pa ni Dimaporo na batay sa kanilang pinakahuling tala, 43 na ang kumpirmadong nasawi mula sa mga bayan ng Salvador at tubod habang patuloy pa silang kumukuha ng impormasyon sa bayan ng Munai.
Habang nasa 93 ang napaulat na nawawala.
Dagdag ni Dimaporo, isinailalim na rin aniya ang tatlong nasabing bayan sa state of calamity.
Nagpapatuloy din aniya ang rescue operations sa iba pang mga residenteng hindi pa naabot ng tulong partikular sa ilang barangay sa bayan ng Salvador bunsod ng naputol na tulay.