Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na kanilang iimbestigahan ang isang viral video ng isang barangay chairman sa Dasmariñas City, Cavite na nasasangkot sa umano’y sex scandal sa application na Zoom.
Ayon kay DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya, magpapadala sila ng team na mag-iimbestiga sa nabanggit na insidenteng kinasasangkutan ng isang kapitan ng barangay.
Ani Malaya, kung mapatutunayang may katotohanan ang nabanggit na viral video, nagkagugulat at nakagagambala aniya ito dahil taliwas ito sa public moral at code of conduct and ethical standards of public officials and employees.
Sinabi ni Malaya, hindi palalagpasin at hindi kinukunsinte ng DILG sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Eduardo Año ang mga katulad na malaswang kilos pag-uugali ng sinumang lokal na opisyal ng pamahalaan.
Pagtitiyak ni Malaya, papanagutin ang nabanggit na barangay captain at papatawan ng karampatang parusa na nakasaad sa batas dahil sa inasal nito.