Tuluy-tuloy pa rin ang ginagawang mga pagbabakuna ng Primary vaccine at ng Booster dose sa buong bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na nananatiling pinangangasiwaan ng mga lokal na pamahalaan ang pagtuturok ng vaccine at ang pagbibigay ng third dose.
Pero pinapayagan narin ani Cabotaje na magturok ng booster dose ang mga drugstore na kasama sa vaccination program at binigyan ng accreditation ng pamahalaan.
Mayroon din aniyang mga workplaces na doon ginagawa ang pagbabakuna ng first Booster shot para sa kanilang sariling mga empleyado.
Kaya naman hindi lamang ani Cabotaje ang mga LGU ang pinahintulutang magturok ng bakuna kundi pati narin iyong private sector.
Maging ang mga private Physicians na may sariling klinika ay puwede naring magbigay ng kanilang first booster jab.