Isasama ang mga Local Government Unit o LGU venue at ibang health care centers para sa phase 2 ng pagbabakuna sa mga batang may comorbidity, ito ang inanunsiyo ni Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Duque, pumili sila ng mga LGU venue at health center na malapit sa ospital upang hindi mahirapan ang mga batakung sakaling makaranas ng matinding side effects sa bakuna.
Ipinabatid naman ng kagawaran ng kalusugan na 25 ospital at pasilidad sa lungsod ang makikilahok sa phase 2 ng pagbabakuna sa mga batang may comorbidity na magsisimula ngayong araw.
Matatandaang, nagbabala si Iloilo Representative at dating Health Chief Janette Garin na posibleng mahawaan ng virus ang mga menor de edad kung sa ospital ito babakunahan kontra COVID-19.
Inaasahan ng DOH na mababakunahan ang mahigit 1.2 milyong batang may comorbidity na nasa 12 hanggang 17 taong gulang sa bansa.