Pinahihigpitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga Local Government Units (LGU)’s ang proseso sa pagbibigay ng mga person’s with disability (PWD) ID.
Kasunod na rin ito ng mga ulat ng pamemeke sa pagkakaroon ng mga kapansanan para makakuha ID at makinabang sa mga PWD discounts.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, dapat maging istrikto at maingat ang mga LGU’s sa pagsasala ng mga indibiduwal na kanilang pagkakalooban ng mga PWD ID’s.
Iginiit ni Año, dapat tiyaking sa mga karapat-dapat at lehitimong PWD’s lamang maibigay ang mga ID at magamit ang pribelehiyong kaakibat nito.
Kasabay nito, hinikayat ng kalihim ang mga establisyimento na agad i-report sa mga pulis at LGU’s ang mga gumagamit ng pekeng PWD ID.