Hindi dapat magpakakampante ang mga lokal na pamahalaan laban sa pagkalat ng COVID-19 lalo na’t nalalapit na ang pagsisimula ng face-to-face classes sa susunod na buwan.
Ito ang ipinaalala ni Department of the Interior and Local Government secretary Benjamin Abalos Jr. matapos maitala ng Department of Health ang COVID-19 positivity rate na 10.6% sa bansa na kung saan ay doble sa ideal threshold ng World Health Organization na 5%.
Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng kapakanan at kaligtasan ng mga estudyanteng Pilipino sa pagbubukas ng klase sa August 22.
Naniniwala naman si Abalos na sa pamamagitan ng kooperasyon ng LGUs sa gobyerno ay malalampasan nito ang mga kinakaharap na krisis ng bansa.