Hinikayat ng Department of Health o DOH ang mga Local Government Units o LGU na tanggapin ang mga walk-ins na magpapabakuna sa idaraos na three day vaccination drive ng pamahalaan.
Ayon kay DOH undersecretary myrna cabotaje, maaaring tumanggap ang mga LGUs ng mga walk in lalo na yung mga senior citizen at persons with comorbidities.
Dagdag ni Cabotaje, puwede na rin magpaturok ng booster shots ang mga senior citizens at immunocompromised individuals sa 3-day campaign.
Aniya, bukas din vaccination drive para sa magpapabakuna ng una at ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.