Muling nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga lokal na pamahalaan na gumawa na lamang ng maganda’t ligtas na fireworks display para sa mga nasasakupan.
Ito’y alisunod sa utos ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos upang maiwasan ang sunog dahil sa paputok.
Ayon kay Supt. Annalee Atienza, Spokesperson ng BFP, nais nilang makamit ang zero fire incident tulad noong taong 2021 at 2022 ngunit mayroon nang naiulat na aabot sa 19 na sunog bunsod ng paputok.
Hiling ng opisyal na huwag ng madagdagan ang bilang nito.
Kasabay nito, hinimok ang mga Local Government Unit na magkaroon na lamang ng designated areas na maaring panoorin ng mga residente ang fireworks sa salubong ng bagong taon. —sa panulat ni Jenn Patrolla