Hinikayat ng Department of Agriculture ang Local Government Units na paglaanan ng malaking pondo ang agricultural projects para maabot ang food security ng bansa.
Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Noel Reyes, mas mabuting mag invest ang LGU’s sa crop at palay production, mais, livestocks at fishery.
Kasabay nito, ipinabatid ni Reyes na tuluy tuloy ang pamamahagi ng (DA) ng P3K fuel vouchers sa mahigit 1,060 magsasaka at mangingisda sa buong bansa.