Hinimok ng Department Of Health (DOH) ang pamunuan ng iba’t-ibang Local Government Units (LGUs) sa bansa na ipagpatuloy ang kanilang mga programang bakuna laban sa iba’t-ibang sakit kahit pa nasa gitna ang bansa sa nagpapatuloy na banta ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, siya’y hihingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte maging sa Department of Interior and Local Government (DILG) para himukin ang mga LGUs na ‘wag itigil ang pagbabakuna sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Kami ay patuloy na hihingi ng tulong sa ating Presidente at sa kagawaran ng interior at pamahalaang lokal ang lahat ng local chief executives na huwag bibitawan ang ibang immunization activities dahil napakahalaga po nito para maproteksyunan an gating mga kabataan mula sa mga vaccine preventable diseases.” ani Duque
Kasunod nito, magsasagawa ng nationwide campaign ang DOH, WHO at UNICEF para sa measles and polio supplemental immunization sa darating na ika-26 ng Oktubre.
Sa huli ipinagmalaki ni Duque, na naglaan na ang pamahalaan ng higit sa P300M para mag-hire ng karagdagang mga tauhang magbabakuna, pati na rin sa pagbili ng mga bakuna laban sa iba’t-ibang sakit.
Nakapag-allocate tayo ng P319M budget para sa hiring ng additional vaccinators, mobilization of vaccinators and their transportations of procurement of vaccines. ″ pahayag ni Duque