Hinikayat ng Malacañang ang mga local government units (LGUs) na maglaan ng bike lanes para sa mamamayan lalo na ngayong panahon na ng tag-ulan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tiyak na lalong darami ang gagamit ng bisikleta kapag inilagay na sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila kung saan mas marami nang negosyo ang papayagang magbukas.
Sinabi ni Roque na gagana na rin ang kasado nang guidelines sa transportasyon kapag inilagay na sa GCQ ang Metro Manila upang matiyak na may masasakyan ang mga papasok na manggagawa.
Meron na po tayong umiiral na guideline na sa GCQ, mula 10 to 50% na po ang pampublikong mga transportasyon. Kapag nagkaroon pa ng modified GCQ, ‘yun nga po, 50% capacity, so, dadami na po ang mga pampublikong sasakyan,” ani Roque.