Hinimok nina Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at MMDA Chairman Benhur Abalos ang mga lokal na pamahalaan para paigtingin ang proseso ng pagtanggap ng bakuna sa mga kanilang mga nasasakupan.
Pahayag ito ni Testing Czar Secretary Vince Dizon makaraang mabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling SONA na ayaw nakikitang pumipila ang mga Pilipino sa vaccination site ng madaling araw pa lamang at nauulanan pa.
Sa laging handa briefing, sinabi ng kalihim na maaari pang magawan ng paraan ang mga ganitong problema.
Tiniyak din ni Dizon na magpapatupad ng adjustment ang local government units, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan at tumataas ang bilang ng gustong magpabakuna.
Samantala, sinabi rin ni Dizon na patuloy ang isinasagawang pagdedeploy ng mga bakuna sa mga lugar na nasa high risk areas ng COVID-19.