Nagpahayag ang pinuno ng League of Provinces of the Philippines o LPP na nangangailangan pa ng kaukulang panahon ang mga Local Government Units bago maabot ang layunin ng pamahalaan sa agarang pagbabakuna
Sa isang pahayag sinabi ni LPP president at Marinduque governor Presbitero Velasco Jr. na marami-raming LGU ang sanay na mabigyan ng maliit na alokasyon ng COVID-19 vaccine doses
Ito ang sinabi ni Velasco nang i-call out ni Health Undersecretary at national vaccinations center chairperson Myrna Cabotaje ang ilang LGUs na kulang umano sa sense of urgency pagdating sa pagbabakuna
Matatandaang kahapon, sinabi rin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na magsasagawa ng national vaccination ngayong buwan upang sanayin ang mga LGU sa malawakang aktibidad sa pagbabakuna
Itinuturo naman ng LPP president na nakaaapekto sa pagsasaayos ang kakulangan sa resources ng ilang “low-rank” municipalities at irregular na pamamahagi ng bakuna sa mga LGU—mula sa panulat ni Joana Luna