Sisilipin ng pamunuan ng Interior Department ang ilang LGU’s o local government units na hindi pa rin nagpapapasok ng mga turista sa kabila ng pagpapaluwag sa umiiral na travel protocols.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, hindi naman tinanggal ang karapatan ng mga LGU’s na magsagawa ng testing kaya’t malinaw na pwede nang tumanggap ng turista.
Dagdag pa ni Densing, kanyang kakausapin ang mga local chief executives para ipaliwanag sa mga ito ang kahalagahan ng pagbubukas ng turismo para makabawi ang ekonomiya ng bansa.
Mababatid na ilan sa mga nagpaabot ng hinaing ay ang Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) maging ang mga turista.