Inalerto na ng Provincial Disaster Management Program Division (PDMPD) ang local government units (LGUs) na malapit sa paanan ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.
Kasunod na rin ito nang pagtataas sa estado ng Bulkang Kanlaon sa Aert Level 1.
Ayon kay PDMPD head Dr. Zephard Gerhart Caelian, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius permanent danger zone dahil sa posibilidad na biglaan at delikadong steam driven o phreatic explosions.
Tiniyak ni Caelian ang mahigpit na monitoring sa bulkan habang nirereview ang contingency plan sa Mount Kanlaon.
Samantala, ipinabatid naman ni Ben Tanatan, science research specialist sa Kanlaon Observatory, na mayroon silang nakitang swelling o pamamaga sa bulkan kayat itinaas nila ang status nito.